Dela Rosa nababahala sa bagong EDCA sites

February 7, 2023 @12:02 PM
Views: 0
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Lunes, Pebrero 6 sa pagtatalaga ng Pilipinas at Estados Unidos ng karagdagang apat pang lugar para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa panayam, ipinaliwanag ni Dela Rosa na bagama’t makatutulong ang EDCA sa panggigipit ng ibang bansa, hindi umano sinusunod ng ibang mga Amerikano ang batas sa bansa.
“Bubusisiin natin ‘yan. ‘Di natin basta-basta, we just accept that hook, line, and sinker. Sabi ko nga fifty-fifty ako dyan – 50 percent sumang-ayon dahil nga nakikita ko na that would form as deterrence against bullying coming from our neighbors. Maganda po yan. Nakikita nila na nandito yung Amerika ready to help filipinos when push comes to shove,” aniya.
“On the other hand, meron akong konting alinlangan d’yan pagdating sa ating sovereignty. Dahil pinapaalis nga sila dito noon, nasa teritoryo natin sila but parang hindi nila nirerespeto ang ating batas, ang ating soberanya. Ang sabi ko pag andito sila sa ating teritoryo, they should follow our rules, follow our law,” dagdag pa ng senador.
“Sumunod sila sa ating batas. ‘Di ‘yung may sarili silang republic within our own republic.”
Inihalimbawa niya ang kaso ni Lance Corporal Daniel Smith na umalis sa bansa noong 2009 makaraang ipawalang-sala ito ng Court of Appeals sa kasong rape, kabaliktaran ng desisyon ng Makati Regional Trial Court noong 2006.
“Pag meron silang sundalo na nang-abuso, nang-rape o pumatay, dapat they should be subjected to our laws. Di pupwedeng kukunin na lang nila, iuuwi sa Amerika dahil sa kanilang citizen yon at meron silang exemption or whatever ang alibi nila. Di pupwede yon. Mananagot sila kapag gumawa sila ng krimen dito sa ating bansa,” ani Dela Rosa.
Sinabi pa niya, dapat na kausaping mabuti ng Department of National Defense ang mga senador patungkol sa mga bagong EDCA sites.
“Yes, para ma-convince kami na ‘di kami hahadlang dyan sa EDCA na yan. We should be briefed accordingly,” ani Dela Rosa.
Mayroong limang kasalukuyang lokasyon ang EDCA, ito ang mga sumusunod:
Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. RNT/JGC
Galvez may paglilinaw sa sinabing ‘ROTC gamot sa mental problem’

February 7, 2023 @11:49 AM
Views: 10
MANILA, Philippines – Naglabas ng paglilinaw si Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa nauna nitong pahayag na makagagamot sa mental health issues ang Reserve Officer Training Corps (ROTC).
Ito ay makaraang makatanggap ito ng samu’t saring batikos hindi lamang sa mga netizens kundi maging sa mga propesyonal sa larangan ng psychology.
“We have learned of the sensitivities raised by our mental health practitioners and advocates on what they believe is the improper use at the Senate hearing on Monday, February 6, of the word ‘cure’ for mental health issues,” pahayag ni Galvez nitong Lunes ng gabi, Pebrero 6.
“We fully understand and appreciate their concerns, as mental health is an issue that affects the broadest spectrum of society. We would therefore like to address certain misconceptions which have surfaced and clarify our agency’s position regarding this matter,” dagdag pa niya.
Nilinaw ni Galvez na ang ibig niyang sabihin patungkol sa ROTC program ay ang pagpapalakas nito at pagbibigay ng resilience sa mga kabataan, na pinaniniwalaan niyang may positibong epekto sa mental health ng mga ito.
“What we intended to convey during the hearing was that through our enhanced ROTC Program, we would be able to build the strength of character and resilience of our trainees, qualities which positively foster mental health,” aniya.
“Further, as a policy and program of the national government, the ROTC Program aims to develop among the trainees the basic psychosocial support competencies that are crucial in responding to stressful situations and contexts,” dagdag ni Galvez.
Iginiit din niya na nais ng DND na ang bubuoin na ROTC program ay naidisenyo upang magpalakas sa resilience, self-leadership, character-building, at disiplina ng mga estudyante.
“We believe these are virtues that our trainees must cultivate not only for their personal growth and development as individuals, but more importantly, enable them to play a key role in building a just, humane and democratic society,” sinabi pa niya. RNT/JGC
8K trabaho lilikhain sa Japan visit ni PBBM

February 7, 2023 @11:36 AM
Views: 16
MANILA, Philippines – Inaasahang makabubuo ng nasa 8,000 job opportunities para sa mga Pinoy ang P150 bilyon na substantial returns sa biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.
Si Marcos ay inaasahang tutulak patungong Tokyo simula bukas, Pebrero 8 hanggang 12.
“In the president’s visit to Japan, we are expecting that substantial returns in terms of new projects, the value of which we currently estimate at P150 billion, and we estimate too that these will generate employment for 8,000 Filipinos,” sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano sa panayam ng ANC nitong Martes, Pebrero 7.
Idinagdag pa ni Garcia-Albano na makikipagkita si Marcos sa mga top executives at chairperson ng mga kompanya sa Japan na tumututok sa electronics, semiconductors, printers at wiring harness manufacturing.
“These sectors comprise the bulk of our industrial relations with Japan,” sinabi pa ni Garcia-Albano.
“They will discuss how the private sector, the Japanese investor companies, the government and other stakeholders can work more closely together to ensure the success of these businesses in the Philippines,” pagpapatuloy nito.
Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na nasa pitong bilateral agreements ang pipirmahan ng pamahalaan ng Pilipinas at Japan kasabay ng pagbisita ng Pangulo.
Samantala, sinabi rin ng ahensya na hindi pag-uusapan sa pulong nina Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang isyu patungkol sa deportation ng apat na puganteng Hapon na nasa Pilipinas. RNT/JGC
Bumaril sa staff ng Ombudsman nadakip na ng QCPD

February 7, 2023 @11:23 AM
Views: 22
MANILA, Philippines – Napasakamay na ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking umagaw ng bag at bumaril sa isang babaeng empleyado ng Office of the Ombudsman sa Quezon City, nitong Pebrero 2.
Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre ang suspek na si Marlon Ayuo Nery, 47 anyos, may live in partner, residente ng No. 151 Susano Road, Brgy. San Agustin, Novaliches, Q.C.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 9:20 ng umaga nitong Lunes, Pebrero 6, nang maaresto ang suspek sa kaniyang tahanan sa Novaliches.
Matatandaan na Pebrero 2, bandang 8:20 nang barilin si Jane Pagurigan, 37, Admin Aide VI Office of the Ombusman sa tapat ng RCBC Bank sa Quezon Avenue malapit sa kanto ng Cordillera St. sa lungsod.
Lumalabas na dahil sa patuloy na follow up operation at sa tulong na rin ng CCTV footages na nakuha ng MMDA at barangay, ay namukhaan ang suspek at natunton ang pinagtataguan nito.
Sa kuha ng CCTV, tila sadyang inabangan ng suspek ang biktima at nang makita ito ay nagmamadaling nilapitan at biglang inagaw ang bag nito, saka binaril bago tumakas.
Nakumpiska mula sa supek ang iba’t ibang uri ng baril, mga bala, cellphones, at isang Honda TMX color gray.
Hindi naman nagbigay ng anumang detalye ang suspek kung ang pamamaril ay kaniyang sinadya o ang motibo lamang nito ay holdapin ang biktima.
Samantala, patuloy pa rin na inoobserbahan sa hospital ang biktima. Jan Sinocruz
Curfew sa San Andres, Quezon ipinatupad sa bakbakan ng Army, NPA

February 7, 2023 @11:10 AM
Views: 20