Police official na may aksyon

Police official na may aksyon

July 13, 2018 @ 6:39 AM 4 years ago


 

Ang isa pang  Police Regional Director na umaani ng papuri dahil sa mga resulta ng kanyang pamamalakad sa ka­pu­lisan ng rehiyon ay itong si C/Supt. Emmanuel Licup. Mas kilala siya sa bansag na Ringgo ng PNP-4B.

Sa mga panahong ito na may laban ang pamahalaan sa iligal na droga at maraming na­­ma­matay, tumataas ang sigaw ng human rights groups na dapat maresolba ang mga kaso ng patayan sa bansa.

Kaya naman, ang resulta ng trabaho ni Gen. Licup ay hinangaan ng mga taga-Region-4B dahil ang style ng mama kapag hindi ka maka-produce ng mga huli o trabahong pampulis ay pupulutin ka sa kang­kungan.

Katunayan, 24 hepe ng iba’t ibang ba­yan sa kanyang rehiyon ang kan­yang isa-isang pinagsisibak dahil sa hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin bilang hepe.

‘Ika nga ni Gen. Licup, “Mahina sila sa pag­­­huli ng mga tulak at u­ser ng iligal na droga kaya­ ko sila ni-relieve sa kanilang mga puwesto.”

Pala­ging itinatagubulin ni Gen. Licup sa lahat ng kanyang mga pulis na ang laban nila sa iligal na droga ang pang­unahing direktiba ng ni PNP Chief, Dir. Gen. Alba­yalde kaya mara­pat lamang na tutukan nila itong mabu­ti.

Kamakailan lang, inilunsad ni Licup ang “Enhanced Mana­ging Police Ope­rations” sa rehiyon na ang layunin ng operasyon ay maa­resto o madakip ang mga may war­rant of arrest, lalo na ‘yung hin­di mahuli-huli.

Ang gustong ipabatid ni Licup ay malaman ng kriminal na  “crime does not pay” at hindi sa lahat ng pagkakataon sila magiging malaya at hindi maabot ng batas at hustisya.

Biruin ninyo, sa unang araw pa lang ng EMPO ay 67 agad na may warrant of arrest sa rehiyon ang nadakip ng Region-4B police. Grad­uate si Licup ng PMA CLASS ’87, kaklase at Mistah ni NCRPO Dir. Guillermo Eleazar at ng mga district direc­tor gaya ni PCSUPT. Tomas Apo­linario.

SUGALAN SA BAGUIO CITY TALAMAK PA RIN

Habang nagtatampisaw sa pag-o-operate ng iligal na su­gal na dropballs at color game itong si alias OLDAK sa O­tik St. Baguio City, buong ta­pang naman na ino-operate nina Kap. Bigatan at alias Nestor ang kanilang pasugalan sa Kayang St. sa Baguio City.

Wala kasing kinatatakutan ang dalawang ito dahil bukambibig nila si Ma­yor Mauricio DOMOGAN ang na­sa likod nila.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa juande­[email protected] o juan­[email protected].

-JUAN SABOG