Police station nais ni PDu30 maging vaccination centers

Police station nais ni PDu30 maging vaccination centers

August 3, 2020 @ 12:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inatasan na ni President Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na linisin ang kanilang mga presinto dahil sa nais niya itong magsilbing coronavirus disease 2019 vaccination centers oras na magkaroon ng bakuna.

“Hoy kayong mga police, makinig kayo sa akin ha. Linisan ninyo ‘yang presinto niyo and make it ready for the day, I pray that it would come. ‘Yun na lang mga police stations mas malapit tsaka marami,” saad ng Pangulo.

“Basta doon, only requirement is Filipino ka. Kung gusto nila magpa-injection ng lima, magpa-ikot, hayaan mo, sige. If you want an overdose of the vaccine go ahead,” dagdag pa nito.

Nauna na ring sinabi ng Pangulo na aagapay ang militar sa pagpapatupad ng libreng COVID-19 immunization program. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...