POLICE VISIBILITY ANG DAPAT, HINDI CHECKPOINT

POLICE VISIBILITY ANG DAPAT, HINDI CHECKPOINT

July 10, 2018 @ 3:35 PM 4 years ago


Nakababahala na ang su­nod-sunod na pagpatay sa mga government official at hindi masasabing “isolated” ca­ses ang mga ito.

Nasaan na ang sinasabing “police visibiliy” ng PNP at bakit patuloy pa rin na nangyayari ang mga pag-ambush, holdapan sa iba’t ibang establishment at iba pang mga krimen sa kalsada. Patuloy na naka­pupuslit o nakalalaya ang mga kriminal sa mata ng mga pulis.

Police Visibility ba ‘yung mga choke point o checkpoint na walang ginawa ang mga naka-detail dito kundi ang harangin ang mga naka-motor na walang helmet, paso ang re­histro, walang lisensya at ang suma-total ay walang nahuhuli ni isa (eh, tatlong ulo ba naman ang attorney ng mga natse-checkpoint). Hehehe.

Kaya hayan, hindi pa man naililibing si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili,   nasundan agad ni Trece Martires City, Vice-Mayor Alexan­der Lubigan at kasama ni­yang si Romulo Guillermer nang ambusin ang mga ito ng ‘di kilalang gunmen.

May nagsabing ang dahilan ng pagkaka-ambush sa vice-mayor ay “pulitika” dahil sa hu­ling termino na ni VM Lubigan sa pagkabise-alkalde at plano niya sanang tumakbong ma­yor sa susunod na eleksyon.

Pero binabalak pa lang ni VM Lubigan ang tumakbo sa 2019 election, tuluyan na si­yang pinatahimik ng kung sinomang politiko rin. O ‘di ba nakababahala na ang ganitong mga nangyayari?

Ang punto ko lang dito, mga suki, kung bakit sa dinami-rami ng mga miyembro ng PNP sa bansa ay bakit patuloy pa rin na nakalulusot ang mga ganitong uri ng krimen gaya ng pang-a-ambush, lantarang holdapan sa mga establishment at iba pa na nangyayari sa loob ng 24 oras.

Nasaan na ang ipinagmamalaking “police visibility” ng PNP?

Bakit tila wala tayong naki-kitang nag-iikot o nagro-roving at mga nakatambay lang ang mga  pulis sa major points ng mga lungsod?

Nasaan na nga ba sila? (Puro yata nasa night club ang mga pulisan).

Esep…esep..tangna nyo. He..he..he..he.

MALAKAS KAY MAYOR DOMOGAN

Hanggang ngayon ay patu­loy pa rin daw ang operasyon ng drop ball at color games ni alias Toyoy sa Dangwa sa likod lang ng Centermall at ni alias Budha naman sa slaughter house ng Brgy. Sto. Niño, Baguio City.

Walang ginagawa si Ba­guio City Mayor Mauricio Domogan kundi ang magkuyakoy sa kanyang opisina kahit na nakikita na nito ang kanyang lungsod na pinamamahaya­nan ng iba’t ibang iligal na pasuga­lan.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,  0926­6719269 o i-email sa juande­[email protected] yahoo.com o juande­[email protected].

JUAN DE SABOG