Polisiya, seguridad sa Bilibid higpitan pa matapos ang riot – DOJ

Polisiya, seguridad sa Bilibid higpitan pa matapos ang riot – DOJ

June 4, 2021 @ 12:26 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sinabihan ng Department of Justice ang New Bilibid Prison (NBP) na rebyuhin ang kanilang mga polisiya matapos ang angnyaring riot na ikinamatay ng isang inmate, at ikinasugat ng 64.

Ayon kay Secretary Menardo Guevarra, Huwebes, na wala pa siyang natatanggap na buong ulat sa insidente sa maximum security compound sa isinagawang “Oplan Galugad”.

Inumpisahan umano ng dalawang inmate ang nasabing riot.

Ayon kay Guevarra na isa sa pwedeng gawin ay ang pagtatanggal sa mga tattoo ng persons deprived of liberty (PDLs) para hindi makilala kung anong gang sila mula.

“We already directed the BuCor (Bureau of Corrections) months ago to take the appropriate measures to prevent these violent incidents. One of the things that the bureau did was to order the PDLs to remove body tattoos showing their gang affiliation,” ani Guevarra.

Sa kabila nito, siniguro ng SOJ na magpapatuloy ang Oplan Galugad para masawata ang mga iligal na kontrabando.

“But it seems that the proliferation of improvised weapons has not abated,” dagdag pa niya. RNT