Political dynasties sa bansa, wakasan – Obispo

Political dynasties sa bansa, wakasan – Obispo

July 12, 2021 @ 11:42 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Wakasan na ang political dynasties sa bansa.

Ayon ito kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kung saan wala aniyang  mangyayaring pagbabago sa bansa kung hindi rin bubuti ang pulitika.

Anang Obispo, dapat maging matalino  ang mga botante sa pagpili ng susunod na lider ng bansa sa darating na halalang 2022.

Dahil din aniya sa political dynasties, nagagamit nila ang resources ng pamahalaan para sa kanilang pagtakbo at kanilang pamilya.

Giit pa ni Bishop Pabillo, hindi lang ang mga political dynasties ang may alam sa pamununo dahil hindi aniya ito minamana kundi sa galing o abilidad ng tao.

Naniniwala ang Obispo na  kung magpapatuloy ang political dynasty sa bansa ay hindi magkakaroon ng pananagutan o accountability. Jocelyn Tabangcura-Domenden