‘Political instructor officer’ ng NPA sa Kalinga, patay sa engkwentro

‘Political instructor officer’ ng NPA sa Kalinga, patay sa engkwentro

March 16, 2021 @ 8:58 AM 1 year ago


KALINGA- Patay ang sinasabing isang political instructor officer ng New People’s Army (NPA) o rebelde sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar sa Sitio Babacong, Balbalan, Kalinga.

Hanggang sa nagkasagupa at nagpalitan ng putok ang magkabilang panig ay iniwan ang bangkay ng kanilang kasamahan na kinilalang si Rudy Daguitan alyas ‘Pinpin’ na may posisyon umanong Political Officer/Political Instructor ng KLG Baggas, Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).

Maliban sa natagpuan bangkay ay narekober ng tropa ng 50th Infantry Battalion Philippine Army sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang baril na posibleng naiwan ng rebeldeng grupo.

Una rito, habang nagpapatrolya ang mga kasundaluhan sa nasabing lugar ay bigla umano silang paputukan ng humigit kumulang dalawampung (20) mga miyembro ng rebeldeng grupo na pinamumunuan ng isang alyas Mio ng Platoon Guevara, Komiteng Larangan Baggas ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang clearing operations ng kasundaluhan sa mga posibleng daanan ng mga umatras na nakasagupang grupong makakaliwa o rebelde. Rey Velasco