Political party, coalition pinagsusumite ng Comelec ng info statement

Political party, coalition pinagsusumite ng Comelec ng info statement

August 5, 2022 @ 5:42 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Upang maipakita na lehitimo ang kanilang organisasyon, inatasan ng  Commission on Elections (Comelec) ang mga partidong politikal sa bansa na magsumite  ng kanilang taunang “Sworn Information Update Statement (SIUS)”.

Kasama ring pinagsusumite ng SIUS ang mga koalisyon ng mga partidong politikal alinsunod sa Comelec Resolution No. 10411 na ipinasa nitong Hulyo 31.

Ang deadline ng submission at itinakda hanggang Agosto 15,2022.

Binalaan ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco na magbibigay ng “prima facie” o matibay na ebidensya na buwag na o wala na sila sa mga partido na bigong magsumite ng kanilang information statement.

Kung magkakaganito, magreresulta ito sa kanselasyon ng registration ng partido o ng koalisyon matapos ang itatakdang mga notice at mga pagdinig.

Upang makakuha ng dagdag na impormasyon, hinikayat ni Laudiangco ang mga partidong politikal na bisitahin ang kanilang website sa www.comelec.gov.ph., o partikular ang https://comelec.gov.ph/index.html?r=2019NLE/Resolutions/res10411. Jocelyn Tabangcura-Domenden