Politika sa drug war sisilipin ng Marcos admin

Politika sa drug war sisilipin ng Marcos admin

September 24, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na titingnan ng kanyang administrasyon ang politika sa giyera sa iligal na droga.

Partikular na titingnan ni Pangulong Marcos ang sindikato na nasa likod nito.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa Asia Society forum sa Manhattan, New York na kinikilala niya ang kahalagahan ng anti-drugs program ng bansa.

Sinabi nito na “close to 4 and a half million” ang sinasabing drug addicts sa Pilipinas.

“As I come into office, you see, you cannot stop the drug war. The problem continues to exist. What we can do is to examine and learn lessons, from the experience of the past administration,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay dating Australian Prime Minister Kevin Rudd sa isang panayam.

“Close to 4 and a half million actual addicts in the Philippines and the corrosive effect on that on society, on criminality, on the drug syndicates etcetera, even the politicization of the whole drug syndicates and their networks is something that we have to deal with,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaan na sa mga nakalipas na talumpati ng Pangulo ay palagi nitong sinasabi na ang kanyang drug war ay nakatuon sa rehabilitasyon.

Aniya, “The enforcement of authorities must focus on methods that start with the young ones, let us adjust our focus and let us also look at prevention.”

“For the enforcement, look I am not interested in the kid who makes P100 a week selling weed, that is not the person I want you to go after,” ang wika ng Chief Executive.

Kaugnay nito, kailangan din aniyang tingnan ang chain o tanikala ng drug supply sa bansa upang sa gayon ay matunton nila ang ugat ng problema.

“I want you to go after people, who if we get them, if we neutralize them or put them in jail. Whatever it is, we will make an actual difference so that the supply of drugs, the system of distribution, the system of importation, much of it really comes from abroad, that will actually make a difference, that will put a stop to it, that’s what we are working on right now,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sinabi ng Pangulo na nabuo ang ideya na ito dahil sa mga aral na natutunan sa naging karanasan sa “bloody drug war” ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kris Jose