‘Poll irregularities’ sa Halalan 2022 sinisilip ng kampo ni Robredo

‘Poll irregularities’ sa Halalan 2022 sinisilip ng kampo ni Robredo

May 10, 2022 @ 3:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo nitong Martes na sinisilip na ng kanyang kampo ang mga ulat ng umano’y poll irregularities sa Halalan 2022.

Ito ang naging pahayag ni Robredo, na pumapangalawa kay former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race, kasabay ng pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang 2022 presidential bid.

“Alam kong pinoproseso pa ninyo ang mga pangyayari kahapon. Mulat ako sa mga tanong na nananatiling nakalimbitin sa sitwasyon. Sinisimulan na namin ang pagkausap sa mga eksperto upang maaral nang husto ang mga ulat at alegasyon na nababasa natin sa social media,” pahayag ni Robredo.

“Agad naming ibabahagi ang anumang resulta ng pag-aaral,” aniya pa.

“Muli, nagpapasalamat ako sa sipag, pagkamalikhain, at pusong dinala ng ating hanay sa kampanya. Dahil sa inyo, nasilip natin ang uri ng lipunang kaya nating maabot,” patuloy pa ni Robredo. RNT/SA