Ponce tuloy sa ikatlo at huling termino sa Pateros

Ponce tuloy sa ikatlo at huling termino sa Pateros

May 11, 2022 @ 7:22 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Madaling nagtagumpay si incumbent Miguel “Ike” Ponce III para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng Pateros.

Inihayag ng Pateros municipal board of canvassers noong Mayo 10 ang mga nanalo sa pambansa at lokal na halalan noong Mayo 9.

Nanalo si Ponce sa pamamagitan ng landslide victory laban sa kanyang karibal. Nakakuha si Ponce, na tumakbo sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, ng 28,534 boto upang muling mahalal bilang alkalde ng Pateros.

Ang kanyang karibal, independiyenteng kandidato na si Marily Chiong ay nakakuha naman ng 2,777 boto.

Para sa bise alkalde, nanalo si Carlo Santos ng Nacionalista Party (NP) laban kay John Peter Marzan, ang running mate ni Ponce.

Nakakuha si Santos ng 18,656 na boto (54.22 porsyento) habang si Marzan ay may 14,227 na boto (45.77 porsyento), o may pagkakaibang 2,629 na boto.

Para sa kongresista ng Unang Distrito ng Taguig-Pateros, nanalo si Ading Cruz ng NP laban kay Allan Cerafica ng Partido Pilipino sa Pagbabago (PPP)

Mayroong 39,273 rehistradong botante sa Pateros at noong Mayo 9 na halalan, 33,228 ang bumoto para sa turnout na 84.65 porsyento. RNT