Pondo ng SSS, GSIS posible pa rin isama sa Maharlika fund – Castro

Pondo ng SSS, GSIS posible pa rin isama sa Maharlika fund – Castro

December 12, 2022 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinahagi ng isang mambabatas na posible pa ring ipasok sa proposed Maharlika Investment Fund (MIF) ang pondo na mula sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) kahit na aalisin ito sa inamyendahang panukala.

Sa pahayag ni Alliance of Concerned Teachers party-list Rep. France Castro nitong Lunes, Disyembre 12, sinabi niya na kaya lamang inalis ang GSIS at SSS sa pagkukuhanan ng pondo sa proposed sovereign wealth fund sa ilalim ng House Bill No. 6398 upang pahupain ang galit ng publiko.

“For now, they are not including the Social Security System (SSS) and the Government Service Insurance System (GSIS) as the primary funders due to the public backlash, but in the bill, the said insurance systems are still open to funding the MWF, and they are just waiting for the people’s anger to simmer down,” pagbabahagi ni Castro.

“They would push through with the Maharlika Wealth Fund, and they would insert the SSS and GSIS funds and also other anti-people provisions, but they would just let the people’s anger wane down; that’s why it is only right to continue protesting this ‘budol fund’ so that it can be junked,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Castro na maaari pa rin maibalik ang dalawang government insurance systems sa pagkukuhanan ng pondo dahil sa provisyon na nagsasabing pwedeng kumuha ng karagdagang pondo ang Maharlika Investment Corporation (MIC) mula sa mga pribadong korporasyon.

Batay umano ito sa pinakabagong bersyon ng House Bill No. 6398.

“The latest version of Maharlika can also compel local companies to shell our funds, ‘additional funding may likewise be sourced from investments of private financial institutions and corporations, as may be determined by the Board of Directors’, (Sec 11, par. 4),” sinabi ni Castro.

Matatandaan na kamakailan ay inanunsyo ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, isa sa mga may-akda sa panukala, na aalisin na nito ang P125 bilyon na pondong kukunin mula sa GSIS at P50 bilyon mula sa SSS. RNT/JGC