Pondo sa buffer stock, halos-doble sa 2023 para sa food security-DBM

Pondo sa buffer stock, halos-doble sa 2023 para sa food security-DBM

October 12, 2022 @ 8:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makatatanggap ang National Food Authority (NFA) ng mas malaking pondo para sa Buffer Stocking Program nito para sa taong 2023.

Layon nito na matiyak ang “food security at affordability” sa bansa.

Sa katunayan, naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P12 bilyong piso para sa Buffer Stocking Program ng NFA para sa taong 2023, sinasabing doble mula sa P7 bilyong piso na inilaan noong nakaraang taon.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang hakbang ay para matiyak na sapat ang suplay ng bigas sa bansa, “in times of global food crisis, unforeseen emergencies, and calamities.”

“By increasing the budgetary allocation for the Buffer Stocking Program, we are stressing the importance of ensuring food affordability, especially rice, which is a staple food for Filipinos. This is also our strategic plan for food security in times of crisis since our country is prone to natural calamities,” ayon kay Pangandaman sa isang kalatas.

Sa ilalim ng panukalang 2023 national budget, ang probisyon para sa buffer stock capacity ay tumaas ng 15 araw mula sa 9 na araw.

“The proposed 2023 budget for the program was higher than this year’s budget to enable the government to procure 631,579 metric tons (MT) of palay from local farmers,” ayon sa DBM.

Winika pa ng DBM na ang pagtaas sa budget allocation para sa programa ay alinsunod sa “eight-point socioeconomic agenda” ng administrasyong Marcos kung saan ang food security ay isa sa mga pangunahing prayoridad.

Tinatayang may P0.67 bilyong piso ang inilaan para sa pagbili ng ‘high-quality rice at corn seeds’ para sa seed buffer stocking sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

“This is to ensure enough supply of seeds to be used during calamities and emergencies affecting rice and corn production,” ayon sa ahensiya.

Para sa fiscal year 2023, naglaan ang Marcos administration ng P184.1 bilyong piso para sa agriculture sector upang masiguro ang “food security at agricultural productivity.”

Sinasabing, ang panukalang 2023 budget na inilaan para sa agricultural industry ay 39.2 ng mas mataas kumpara sa pondong inilaan noong nakaraang taon. Kris Jose