Pondo sa free wifi sa mga pampublikong lugar, pasok sa 2023 budget

Pondo sa free wifi sa mga pampublikong lugar, pasok sa 2023 budget

September 12, 2022 @ 2:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinaglaanan ng administrasyong Marcos ng halagang P2.5B ang pagpapalakas at libreng internet sa mga pampublikong lugar.

Kinumpirma ito ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, House appropriations committee member sa pagsasabing “the national government is spending another P2.5 billion to install additional access points where Filipinos can enjoy password-free internet Wi-Fi connectivity using their mobile devices.”

Batay sa 2023 proposed budget, ang P2.5 bilyon ay gagamitin sa Free Public Internet Access Program (FPIAP) upang mapalakas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang network ng lahat ng government-sponsored open Wi-Fi hotspots sa buong bansa.

“This time, we are counting on the DICT to speed up the rollout of free Wi-Fi hotspots to make up for previous delays.”

Banggit pa ni Rillo na dahil sa 2016 lamang naitatag ang DICT ay hindi agad nabigyan ng sapat na pondo at panahon ang panukala buko pa aniya sa kulang pa ang mga IT staff na titingin at magpapatupad sa FPIAP.

“We desperately need more physical locations where Filipinos who cannot afford internet at home can benefit from a free Wi-Fi connection, and use it to access public services, look for gainful employment, or download learning materials,” sinabi pa ni Rillo.

Giit pa ng kongresista na malaki ang maitutulong ng Free Wi-Fi hotspots sa may 73% Pinoy na gumagamit ng mobile phones sa pag-access sa internet.

Sa ngayon aniya ay may 4,518 sites ang naitayo na ng DICT sa buong bansa upang mag-provide ng free Wi-Fi hotspots sa publiko simula noong June 29, 2022.

Bisitahin ang DICT website (https://freepublicwifi.gov.ph/livehotspots/) para sa eksaktong lokasyon ng nabanggit na mga hotspots.

Ang malaking bahagi ng P2.5 bilyon na ipopondo sa FPIAP ay gagamitin sa  free Wi-Fi hotspots samantalang ang P50.7 milyon ay gugugulin upang malakas ang koneksyon sa may 116 na state universities at colleges sa buong bansa.

“The money for the FPIAP is being sourced from the “spectrum user fees” collected by the National Telecommunications Commission every year from telecommunications service providers and constituted into the Free Public Internet Access Fund.”

Batay sa Republic Act No. 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Law of 2017, ang DICT sa pamamagitan ng FPIAP ay  may mandatong mag-provide ng free internet connectivity sa mga public places.

“The law specifies these “public places” as airports, seaports, and public transport terminals; public parks and plazas; public libraries and barangay reading centers; public hospitals, health centers and rural health units; and public schools as well as public higher education institutions, including technical-vocational training centers,” banggit pa ni Rillo. Meliza Maluntag