Pondo sa Libreng Sakay sa 2023, bokya

Pondo sa Libreng Sakay sa 2023, bokya

August 25, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV) na lumahok sa inisyatiba.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation noong Huwebes, sinabi ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na humiling ang ahensya ng P12 bilyon para sa service contracting program para sa 2023 pero hindi ito nakasama sa National Expenditure Program (NEP).

Sa ilalim ng NEP, ang DOTr ay may panukalang badyet na P171.1 bilyon para sa susunod na taon, mas mataas ng 120.4% mula sa P75.8 bilyon noong 2022

Ang service contracting o “Libreng Sakay” program ay inisyatiba ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilunsad noong huling bahagi ng 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para matulungan ang mga commuter at mga sa sektor ng pampublikong sasakyan na apektado ng pandemya.

Ipinagpatuloy ng DOTr ang pagpapatupad ng programa noong 2021 at 2022.

“We are apealing na mapondohan ang service contracting para sa susunod na taon ay may pondo po ang Libreng Sakay,” Pastor told the House panel.

Sinuportahan naman ni ACT-Teachers party-list Representative France Castro ang apela ng DOTr para maipagpatuloy ang libreng ridership program sa susunod na taon. RNT