Pondo sa pagsasaayos ng school buildings sa MisOr ipinalalabas ni PBBM

Pondo sa pagsasaayos ng school buildings sa MisOr ipinalalabas ni PBBM

January 11, 2023 @ 5:04 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) sa Misamis Oriental na ipinag-utos na niya ang pagpapalabas sa P3 milyon na gagamitin para kumpunihin ang napinsalang school buildings dahil sa baha sa nasabing lalawigan.

“If the LGUs can take the load, we can send you the three million plus immediately. Kasi ito ‘yung nakalista dito, for the school buildings,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang situation briefing sa Gingoog City, Misamis Oriental.

“I’m talking about the school buildings for the repair. Yeah do it. By administration na lang para mas mabilis. Mas mabilis and mas mura,” dagdag na wika ng Pangulo.

Ayon sa Chief Executive, mayroong 63 silid-aralan na binaha dahil sa shear line.

Sa kabilang dako, ipinag-itos naman ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan ang pagkumpuni sa mga nasalantang imprastraktura sa oras na humupa na ang baha.

“The damage to the province’s school buildings must be also looked into,” ayon sa Pangulo.

Iniulat naman ng lokal na pamahalaan ng Gingoog na ang bilang ng mga pamilya ay tumaas sa18,452, habang 45 mula sa 59 barangay ang apektado.

Ang mga taga-nayon naman na nakatira sa coastal areas ang itinuturing na labis na naapektuhan. Kris Jose