Pooh, tanggap na laos na!

Pooh, tanggap na laos na!

November 22, 2022 @ 12:45 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Aminado ang komedyanteng si Pooh na apektado siya sa sunud-sunod na indulto na dumaan sa kanyang buhay.

Among these unfortunate events ay ang pagkakasibak sa ere ng programa niyang Banana Sundae, ang kapalaran ng ABS-CBN na pinagkaitan ng prangkisa at ang pandemic onslaught.

Mabuti na lang daw ay may naipon siya that tided him over through those rough times.

Pero higit na ipinagpapasalamat ni Pooh ay ang tiwalang ibinigay sa kanya bilang writer sa likod ng seryeng Oh My Korona na umeere sa TV5.

Dito raw niya natuklasan sa sarili na may talento siya sa pagsusultat apart from doing comedy.

Speaking of which ay takot na raw si Pooh na bumalik sa pagpapatawa particularly stand-up comedy sa mga bar.

Tahasang inamin ni Pooh that his glory days are over.

Sa madaling salita, laos na raw siya.

Aniya, nagbago na rin daw kasi ang trend at brand ng pagpapatawa.

Mas nauuso na raw ang pagti-TikTok.

Good thing, may fallback daw siya dahil aminado siyang hindi niya gamay ang larangang ‘yon.

Iilan lang ang mga tulad ni Pooh who’s proud of being laos. At least, sumikat! Ronnie Carrasco III