Pope Benedict XVI pinuri ng CBCP

Pope Benedict XVI pinuri ng CBCP

January 1, 2023 @ 9:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Pope Benedict XVI ay sinabing maalala siya bilang “Pope of Charity.”

“If Pope Francis is known as the Pope of Mercy and Joy, Pope Benedict will be remembered as the Pope of Charity. He began his episcopacy with a profoundly theological encyclical entitled Deus Caritas Est (God is Love),” sinabi ni CBCP president Pablo Virgilio David.

Sinabi rin ni David na ang dating Papa ay isang mahusay na teologo, katekista, at musikero.

“He spent the last years of his life as an emeritus pope in solitude and contemplation, supporting the universal Church and Pope Francis spiritually with his prayers. Let us commend him to the Lord and pray for his eternal repose,” sabi pa niya.

Pumanaw ang dating Papa sa edad na 95 ayon sa anunsyo ng Vatican, halos isang dekada nang siya ay maging unang Santo Papa na nagbitiw sa loob ng anim na siglo.

Ang kanyang katawan ay ipapakita sa solemne setting ng Saint Peter’s Basilica simula Lunes ng umaga, Enero 2 na nagpapahintulot sa mga mananampalataya na magbigay ng kanilang paggalang.

Nauna nang humiling si Pope Francis ng panalangin para sa kagalingan ni Pope Benedict XVI dahil sa malubha niyang karamdaman. Jocelyn Tabangcura-Domenden