Pope Francis bumisita sa Kazakhstan

Pope Francis bumisita sa Kazakhstan

September 14, 2022 @ 9:25 AM 2 weeks ago


KAZAKHSTAN – Dumating sa Kazakhstan sa Central Asia nitong Martes, Setyembre 13 para sa tatlong araw na pagbisita upang isulong ang diyalogo at kapayapaan sa dating rehiyon ng Sobyet sa kabila ng babala ng kanyang doctor na huwag bumiyahe sa Ukraine.

Ang Santo Papa na napilitang gumamit ng wheelchair dahil sa pananakit ng tuhod ay makikibahagi sa isang unter-religious summit sa kabisera sa Nur-Sultan.

Sinabi ni Pope Francis noong Linggo na ang ika-38 na paglalakbay sa ibang bansa mula nang mahalal siya noong 2013 ay magiging “isang pagkakataon na magkaroon ng diyalogo bilang magkakapatid, na pinasigla ng karaniwang pagnanais para sa kapayapaan.

Ang Russian Orthodox Patriarch na si Kirill, isang malapit na kaalyado ni Pangulong Vladimir Putin, ay una nang inaasahan ngunit umatras sa kaganapan sa Setyembre 14-15, na sumira ng pag-asa ng isang pulong sa Santo Papa tungkol sa salungatan sa Ukraine.

Habang ang Papa ay nanawagan ng kapayapaan at tinuligsa ang malupit at walang kabuluhang digmaan , ipinagtanggol ni Kirill ang “operasyon militar” ni Putin at ang paglaban sa “external at internal enemies” ng Russia.

Mga 100 delegasyon mula sa 50 bansa ang inaasahang makikibahagi sa kaganapan sa Kazakhstan, isang dating republika ng Sobyet na nagkamit ng kalayaan noong 1991.

“Dialogue, a coming together, the search for peace between different religious and cultural worlds are at the heart of this trip,” sabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni noong Lunes.

Si Francis ang pangalawang Papa na bumisita sa Kazakhstan pagkatapos ng paglalakbay ni John Paul II noong Setyembre 2001. Jocelyn Tabangcura-Domenden