Pope Francis hiniling na imbitahan siya sa NoKor

Pope Francis hiniling na imbitahan siya sa NoKor

August 26, 2022 @ 6:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Pope Francis sa Pyongyang na imbitahan siya sa North Korea.

Sa kanyang televised interview noong Biyernes na hindi niya tatanggihan ang pagkakataong bumisita at magtrabaho para sa kapayapaan.

Ang potesyal na pagbisita ng Papa sa nuclear-armed country at dating pinalutang noong 2018 nang magsimula ang dating pangulo ng Seoul na si Moon Jae-in sa isang round ng diplomacy kasama ng pinuno ng Pyongyng na si Kim Jong Un.

Si Moon na isang Katoliko ay nagsabi na isang summit na sinabi sa kanya ni Kim na ang pontiff ay “enthusiastically” welcomed.

Tumugon si Papa na handa siyang pumunta kung nakatanggap siya ng opisyal na imbitasyon.

Gayunman, pinutol ng Pyongyang anga pakikipag-ugnayan sa Seoul kasunod ng pagbagsak ng pangalawang summit sa pagitan ni Kim at noon ay nagging president ng UAmerika na si Donald Trump noong 2019 na nagpatigil sa pag-uusap.

“When they invite me—that is to say, please invite me—I won’t say no,” pahayag ng Santo Papa sa pahayag ng South Korea’s state broadcaster KBS.

Muli naming hinimok ang Koreano sa peninsula na “magtrabaho para sa kapayapaan.

“You, the Korean people, have suffered from the war,” sabi pa ng Papa.

Nang bumisita si Pope Francis sa South Korea noong 2014, nagsagawa siya ng espesyal na misa na nakatuon sa muling pagsasama-sama ng dalawang Korea. Jocelyn Tabangcura-Domenden