Pope Francis hirap nang maglakad; nagtalaga ng personal medical assistant

Pope Francis hirap nang maglakad; nagtalaga ng personal medical assistant

August 5, 2022 @ 9:14 AM 2 weeks ago


VATICAN – Nagtalaga ng isang nars si Pope Francis sa Vatican health services bilang kanyang “personal medical assistant,” ayon sa Vatican, sa isang indikasyon na tinatanggap ng Papa na kailangan niya ng higit na pangangalaga habang siya ay tumatanda.

Sa pagsasalita sa mga mamamahayag sa eroplano na pabalik mula sa byahe pa-Canada noong Sabado, sinabi ng 85-taong-gulang na Papa na ang kanyang pagtanda at ang kanyang kahirapan sa paglalakad ay naghatid sa isang bago, mas mabagal na yugto ng kanyang pagka-papa.

Sa isang pahayag noong Huwebes, kinilala ng Vatican ang “personal medical assistant” na si Massimiliano Strappetti, coordinator ng mga nars at mga health facilities ng Vatican, isang soberanong estado na napapalibutan ng Roma.

Ang posisyon ng “personal medical assistant” ay hindi umiiral noon sa papasiya na ito, bagaman si Pope John Paul II, na namatay noong 2005, ay may mga medical care givere sa kanyang huling taon ng kanyang Buhay.

Si Pope Francis ay mayroon nang personal na doktor, isang geriatrics specialist sa Gemelli Hospital ng Rome, kung saan sumailalim si Francis sa intestinal operation noong isang taon. Iyon ang unang pagkakataon na naospital ang papa mula nang mahalal siya noong 2013.

Si Pope Francis ay nagdurusa mula sa isang matinding pagpapaliit ng colon na dulot ng diverticulitis, o ang pagbuo ng maliliit, nakaumbok na mga sacs sa intestinal wall.

Sa mga nakalipas na buwan, kinailangan ni Francis na gumamit ng wheelchair o tungkod o walker dahil sa pananakit ng tuhod na dulot ng maliit na bali at namamagang ligament.

“I don’t think I can continue doing trips with the same rhythm as before,” sabi ng Papa sa kanyang komento sa reporters sa kanyang pagbalik mula Canada.

“I think that at my age and with this limitation I have to preserve (my strength) a bit in order to be able to serve the Church, or decide to step aside,” dagdag pa ng Papa.

Sinabi ni Pope Francis na mas pinili niyang huwag operahan ang kanyang tuhod dahil ayaw niyang maulit ang pangmatagalang negatibong epekto mula sa anesthesia na naranasan niya pagkatapos ng operasyon sa bituka noong nakaraang taon.

“But I will try to continue to travel in order to be close to people because it is a way of serving,” anang Papa.

Sa isang panayam sa Reuters noong nakaraang buwan, inulit ni Francis ang kanyang madalas na sinasabing posisyon na maaaring magbitiw siya balang araw kung ang mahinang kalusugan ay naging imposible para sa kanya na patakbuhin ang Simbahan—isang bagay na halos hindi maisip bago magbitiw si Benedict XVI noong 2013. Jocelyn Tabangcura-Domenden