Pope Francis: Homosexuality, ‘di krimen

Pope Francis: Homosexuality, ‘di krimen

January 30, 2023 @ 11:06 AM 2 months ago


VATICAN CITY- Sinabi ni Pope Francis na ‘mali’ ang mga taong itinuturing na krimen ang homosexuality.

Ito ang inihayag ng Santo Papa sa isang liham na inilathala noong Sabado na naglalayong linawin ang mga naunang komento tungkol sa pagiging “kasalanan” ng mga homosexual na gawain.

Sa liham na inilathala noong Sabado, nilinaw ni Pope Francis na ang homosexuality ay hindi krimen.

Bigyang-diin ng pontiff na ang kriminalisasyon ay hindi mabuti o makatarungan.

“When I said it is a sin, I was simply referring to Catholic moral teaching, which says that every sexual act outside of marriage is a sin,” bahagi ng liham ni Francis bilang tugon sa liham mula kay US priest James Martin na humingi ng paglilinaw sa mga komento ng Papa sa isang panayam ng Associated Press news agency

Ang liham ng Papa, na isinulat sa Espanyol, ay isinalin sa Ingles at inilathala ng website na Outreach, isang Catholic LGBTQ resource kung saan si Martin ang editor.

“I would tell whoever wants to criminalize homosexuality that they are wrong,” sabi ng Papa.

“It’s not a crime … but it’s a sin,” saad ni Francis at idinagdag na, “It’s also a sin to lack charity with one another.”

Sa kanyang liham kay Martin, sinabi ni Francis na ang kanyang komento tungkol sa ‘sin’ ay tumutukoy sa pangkalahatang moral na pagtuturo sa loob ng Simbahang Katoliko.

“When I said it is a sin, I was simply referring to Catholic moral teaching, which says that every sexual act outside of marriage is a sin,” aniya.

“Of course, one must also consider the circumstances, which may decrease or eliminate fault.”

“As you can see, I was repeating something in general. I should have said ‘It is a sin, as is any sexual act outside of marriage,'” anang Santo Papa.

Ginawa ng Papa ang mga komento sa homosexuality bago ang kanyang paglalakbay sa susunod na linggo sa Africa, kung saan ang kriminalisasyon ng homosexuality ay karaniwan.

Plano ni Francis na bisitahin ang Democratic Republic of Congo at South Sudan sa kanyang anim na araw na pagbisita sa kontinente. Jocelyn Tabangcura-Domenden