Pope Francis inimbitahan ni NoKor leader Kim Jong-Un

Pope Francis inimbitahan ni NoKor leader Kim Jong-Un

October 9, 2018 @ 5:34 PM 4 years ago


 

Korea – Iniimbitahan ni North Korean leader Kim Jong-Un si Pope Francis na dumalaw sa Pyongyang.

Ito ang kinumpirma ni Blue House spokesman Kim Eui-kyeom at sinabing hawak na ni South Korean President Moon Jae-In ang imbitasyon ni Kim para ibigay ito sa Santo Papa.

“President Moon will visit the Vatican on Oct. 17 and 18 to reaffirm its blessing and support for peace and stability of the Korean peninsula,” wika ng opisyal.

“Especially when he meets with Pope Francis, he will convey Chairman Kim’s message that he will ardently welcome him if he visits Pyongyang.”

Isa muli itong pagbagsag sa kasaysayan matapos ang 18 taon.

Ang huling imbitasyon ng North Korean leader sa Santo Papa ay noon pang 2000 at ito ang pinaka-una kung saan inanyaya ng ama ni Kim na si Kim Jong Il si Pope John Paul II, pero hindi ito natuloy. (Remate News Team)