Pope Francis: ‘Journey of death’ ng mga migrante, nawa’y matigil na

Pope Francis: ‘Journey of death’ ng mga migrante, nawa’y matigil na

March 6, 2023 @ 8:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Pope Francis noong Linggo na wakasan ang nakamamatay na trafficking ng mga migrante, isang linggo matapos lumubog ang isang bangka sa southern Italy na ikinamatay ng hindi bababa sa 70 katao.

“May the traffickers of human beings be stopped, may they no longer be able to dispose of the lives of so many innocent people,” paghihimok ni Pope Francis sa pagtatapos ng panalangin ng Angelus.

“May these journeys of hope never again turn into journeys of death, and may the clear waters of the Mediterranean no longer be bloodied by such dramatic incidents,” dagdag pa ng Santo Papa.

Ang bilang ng mga namatay mula sa trahedya sa baybayin ng Crotone, Calabria, noong nakaraang linggo ay kinabibilangan ng 15 menor-de-edad.

Hinahanap pa ang ibang biktima. Tatlong tao na hinihinalang smuggler ang naaresto, iniulat ng Italian media.

Nasira ang bangka, na pinaniniwalaang naglulan ng humigit-kumulang 180 katao, karamihan ay mula sa Afghanistan, Iran at Pakistan, dahil sa masamang panahon matapos posibleng tumama sa isang sandbank.

Sa ilalim ng Punong Ministro ng Italya na si Giorgia Meloni , tinanggihan nito ang anumang responsibilidad ng gobyerno para sa pagkawasak ng sasakyang pandagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden