Pope Francis makikiisa sa selebrasyon ng 500 taon ng Kristiyanismo sa Pinas

Pope Francis makikiisa sa selebrasyon ng 500 taon ng Kristiyanismo sa Pinas

March 4, 2021 @ 10:19 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Makikiisa si Pope Francis sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas kasama ang isang Filipino community sa Italy ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Ricky Gente, isang Scalabrinian priest of the Filipino Chaplaincy sa Rome pangungunahan ni Pope ang isang misa sa St. Peter’s Basilica sa Marso 14 ganap na 5:00 ng hapon.

Dadalo sa selebrasyon sina Cardinal Luis Antonio Tagle, prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, at Cardinal Angelo De Donatis, vicar ng pope sa Rome.

Limitado naman ang makadadalo sa misa dahil sa pandemya ngunit mapapanuod ito online.

“Join us in Rome to pray, praise and thank God for his gift of the Christian faith,” ani Gente.

“You can also receive blessings from the pope after mass in Vatican Square where he will lead the Angelus prayer at noon,” dagdag nito.

Sa Pilipinas, maglulunsad ang karamihan sa mga diocese ng year-long commemoration sa Abril 4, Easter Sunday. RNT/ELM


  •  
  •  
  •