Pope Francis muling nanawagan ng ceasefire sa Ukraine-Russia war

Pope Francis muling nanawagan ng ceasefire sa Ukraine-Russia war

February 23, 2023 @ 8:10 AM 1 month ago


Muling nanawagan si Pope Francis para sa ceasefire sa Ukraine kasabay ng unang anibersaryo ng pagsalakay ng Russia sa bansa.

“The death toll, wounded, refugees, those isolated, destruction, economic and social damage speak for themselves,” sabi ni Pope Francis sa kanyang weekly general audience.

Binanggit ng Santo Papa na ang Biyernes ay minarkahan ng isang taon mula nang magsimula ang digmaan, na tinawag itong “absurd and cruel war, a sad anniversary”.

Hinikayat ng Papa ang lahat ng may kapangyarihan na gumawa ng kongkretong pagsisikap upang wakasan ang tunggalian, maabot ang tigil-putukan at simulan ang negosasyong pangkapayapaan.

Paulit-ulit na nanawagan ang Santo Papa para sa pagwawakas sa salungatan mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 24, 2022, kahit na nagpahayag ng pagnanais na maglakbay sa Kyiv at Moscow—mga paglalakbay na hindi pa naganap.

Ang  mga alok ni Francis na subukang makipagkasundo sa kapayapaan ay nauwi sa wala. Jocelyn Tabangcura-Domenden