Pope Francis nagmisa sa Bahrain

Pope Francis nagmisa sa Bahrain

November 6, 2022 @ 8:57 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumama sa isang open-air mass ang humigpit kumulang 30,000 mga Katoliko na nagwagaygay ng bandila noong Sabado sa Bahrain National Stadium,  sa opisyal na pagbisita ni Pope Francis sa Bahrain.

Ginanap  ni Pope Francis ang misa unang-una sa Bahrain na sentro ng kanyang outreach mission sa Gulf.

Dahil pa rin sa karamdanan sa tuhod, gamit ng Santo Papa ang wheelchair at walking stick na ngumiti at kumaway sa mga tao mula sa kanyang open-popemobile.

Habang kumakanta ang 100 multinational choir sa maraming wika, tumayo ang Santo Papa upang halikan ang mga bata na itinaas upang siya ay  salubungin .

“This very land is a living image of coexistence in diversity and indeed an image of our world, increasingly marked by the constant migration of peoples and by a pluralism of ideas, customs and traditions,” sabi ni Pope Francis.

Ang outreach sa Islam ni Pope Francis  ay ginawa sa kanyang pangalawang pagbisita sa Gulf .

Sa kanyang pagbisita sa United Arab  Emirates noong 2019, pinangunahan ni Francis ang misa sa 170,000 katao at lumagda ng manipesto para sa kapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

Ginugol ng Papa ang apat na araw na paglalakbay sa Bahrain kung saan nakikipagpulong sa mga matataas na opisyal at mga relihiyosong tao, ngunit para sa mga Katoliko sa maliit na bansang isla, kabilang ang maraming migranteng manggagawa, ang misa noong Sabado ay ang pinakamataas na punto.

Karamihan sa mga sumama sa misa  ay matiyagang naghintay upang makita ang Santo Papa sa rehiyon ng Gulf.

Sa bansang ito, mayroong humigit-kumulang dalawang milyong Katoliko, pangunahin ang mga dayuhang manggagawa mula sa Timog Asya at Pilipinas.

Itinuturing na isang medyo mapagparaya na bansang Arabo ang Bahrain tulad ng United Arab Emirates.

Layon ng ika-39th international visit ni Pope Francis na bumuo ng ugnayan sa mga opisyal ng Muslim.

Noong Biyernes ay nakilala niya ang dakilang imam ng Al-Azhar mosque ng Egypt, isa sa mga nangungunang awtoridad ng Sunni Islam, at mga miyembro ng Muslim Council of Elders.

Dumalo rin siya sa gawain sa Our Lady of Arabia Cathedral, ang pinakamalaki sa Arabian peninsula na may upuan ng higit sa 2,000. Daan-daang migranteng manggagawa ang kabilang sa kongregasyon na tumanggap sa kanya.

Nakipagkita rin ito nitong Sabado  sa mga bata sa Sacred Heart School at  dadalo rin sa isang prayer meeting ngayong Linggo sa 83-taong-gulang na Sacred Heart Church ,ang pinakamatandang simbahan sa rehiyon bago lumipad pabalik sa Roma. Jocelyn Tabangcura-Domenden