Pope Francis pumirma ng resignation letter ‘pag dinapuan ng malubhang sakit

Pope Francis pumirma ng resignation letter ‘pag dinapuan ng malubhang sakit

December 18, 2022 @ 3:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Pope Francis sa isang panayam matapos siyang maihalal noong 2013 bilang Santo Papa ay pumirma siya ng letter of resignation upang magamit kung balang araw ay magkaroon ng malubha at permanenteng problema sa kalusugan na imposibleng magampanan pa ang kanyang mga tungkulin.

Ang Santo Papa na 86 taong gulang na noong Sabado ay nasa mabuting kalusugan maliban sa isang karamdaman sa tuhod.

Sinabi ng Santo Papa na nagbigay ito ng liham sa noo’y Vatican Secretary of State Cardinal na si Tarcisio Bertone, na isang holdover mula sa nakaraang papasiya ni Benedict XVI.

Nanatili si Bertone sa posisyon nang humigit-kumulang anim na buwan matapos mahalal si Francis noong Marso 13, 2013.

Madalas ding sabihin ng Santo Papa na magbibitiw ito kapag hindi na kaya ng kanyang kalusugan upang gampanan at pamunuan ang  1.3 bilyong miyembro ng Roman Catholic church. Jocelyn Tabangcura-Domenden