Pope Francis sa mga magulang: Mga anak na LGBT, suportahan

Pope Francis sa mga magulang: Mga anak na LGBT, suportahan

January 27, 2022 @ 9:25 AM 8 months ago


VATICAN – Sinabi ni Pope Francis na hindi dapat kondenahin ng mga magulang ang kanilang mga anak na bahagi ng LGBT community, kundi dapat ay bigyan nila ito ng suporta.

Ito ay inihayag ng Santo Papasa bilang pagtukoy sa mga paghihirap na maaaring harapin ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga supling.

Sinabi pa ng Santo Papa na kasama sa mga isyung iyon ang mga magulang na nakakakita ng iba’t ibang oryentasyong sekswal sa kanilang mga anak at kung paano ito haharapin, kung paano samahan ang kanilang mga anak, at hindi nagtatago sa likod ng isang saloobin ng pagkondena.

Una na niyang sinabi na ang mga “bakla” ay may karapatan na tanggapin ng kanilang mga pamilya bilang anak at kapatid.

Sinabi rin niya na bagama’t hindi tinatanggap ng Simbahan ang same-sex marriage, maaari nitong suportahan ang mga civil union laws na naglalayong bigyan ang mga gay partner ng magkasanib na mga karapatan sa mga lugar ng mga pensiyon at mga isyu sa pangangalaga sa kalusugan at mana.

Maaalala na naglabas ng dokumento ang Vatican’s doctrinal office na nagsasabing ang mga Katolikong pari ay hindi nito mababasbasan ang same-sex unions,isang desisyon na labis na ikinadismaya ng mga gay Catholics.

Sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos at Germany, ang mga kaparian at ministers ay nagsimula nang magbasbas ng unyon ng kaparehong kasarian sa halip na kasal, at may mga panawagan para sa mga obispo na gawing institusyonal ang mga ito.

Sinabi naman ng 1.3 bilyong konserbatibong miyembro ng Simbahan na ang pagbibigay ng pagpapahalaga ng Santo Papa sa mga pari at madre na naglilingkod sa mga baklang Katoliko ay nagbibigay ng magkahalong senyales sa homosexuality, na nakalilito sa ilan sa mga mananampalataya.

Noong nakaraang buwan, humingi ng paumanhin ang Vatican department para sa “pagdulot ng sakit sa buong LGBTQ community” sa pamamagitan ng pag-alis sa website nito ng link sa resource material mula sa isang Catholic gay rights advocacy group bilang paghahanda para sa isang pulong sa Vatican sa 2023 sa direksyon ng Simbahan sa hinaharap.

Itinuturo ng Simbahan na ang mga bakla ay dapat tratuhin nang may paggalang at sinasabing, habang ang mga gawa ng parehong kasarian ay makasalanan, ang mga ugali ng parehong kasarian ay hindi. Jocelyn Tabangcura-Domenden