Pope Francis sa nuclear threat: ‘Why not learn from history?’

Pope Francis sa nuclear threat: ‘Why not learn from history?’

October 10, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinimok ni Pope Francis noong Linggo ang mundo na matuto mula sa kasaysayan sa banta ng digmaang nukleyar sa Ukraine at piliin ang landas ng kapayapaan.

Sa pagbabalik-tanaw sa Ikalawang Konseho ng Vatican noong 1960s, sinabi ni Francis sa isang misa sa kanonisasyon sa St. Peter’s Square na “hindi natin makakalimutan ang panganib ng digmaang nuklear na nagbanta sa mundo noong panahong iyon,”

“Why not learn from history? Even at that time there were conflicts and huge tensions, but the way of peace was chosen,” sabi ni Francis.

Sinabi ni US President Joe Biden noong Huwebes na nahaharap ang mundo sa nuclear na “Armageddon,” nagbabala na maaaring gamitin ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin ang kanyang atomic arsenal habang nakikipaglaban ang mga tropang Ruso laban sa isang kontra-opensiba ng Ukrainian.

Sinabi ng Vatican na humigit-kumulang 50,000 mananampalataya ang dumalo sa misa noong Linggo upang ipagdiwang ang pagiging santo ng mga religious figures na sina Giovanni Battista Scalabrini at Artemide Zatti.

Ginamit ng Papa ang pagkakataon na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng tinatawag niyang “mad act of violence” sa Thailand.

Isang sinibak na pulis ang pumatay ng 36 katao, 24 sa kanila ay mga bata, noong Huwebes sa isang nursery. Jocelyn Tabangcura-Domenden