Pope Francis, tumulak sa Africa

Pope Francis, tumulak sa Africa

February 1, 2023 @ 8:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan ni Pope Francis ang kanyang ikalimang pagbisita sa Africa noong Martes upang makiusap para sa kapayapaan.

Una niyang binisita ang Democratic Republic of Congo at pagkatapos ay ang South Sudan.

Ang anim na araw niyang biyahe sa DRC at South Sudan ay pinlano noong Hulyo 2022, ngunit ipinagpaliban dahil sa pananakit ng tuhod ng pontiff na nagpilit sa kanya nitong mga nakaraang buwan na gumamit ng wheelchair.

Sumakay siya ng eroplano sa Rome sa pamamagitan ng elevator.

“I would have liked to go to Goma too, but with the war, you can’t go there,” ayon kay Francis.

“These lands, situated in the centre of the great African continent, have suffered greatly from lengthy conflicts,” sabi pa ni Francis pagkatapos ng kanyang Angelus prayer sa Vatican.

Nalulungkot ang Santo Papa sa mga armandong pag-aaway at pagsasamantala sa DR Congo, at sinabing ang South Sudan na nasira ng mga taon ng digmaan ay nagnanais na wakasan ang patuloy na karahasan.

Kasunod ng isang welcome ceremony sa Kinshasa airport, si Francis ay tatanggapin sa presidential palace ni Pangulong Felix Tshisekedi. Jocelyn Tabangcura-Domenden