Pope Francis: ‘Women are a gift’

Pope Francis: ‘Women are a gift’

November 7, 2022 @ 11:22 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pope Francis na napatunayang maaring maging mas mahusay ang mga babaeng itinalaga niya sa Vatican na mga tagapamahala kaysa sa mga lalaki sa ‘chauvinism’ sa Simbahang Romano Katoliko at sa lipunan sa pangkalahatan.

Ginawa ni Francis ang kanyang pahayag habang pabalik sa Roma mula sa apat na araw nitong pagbisita sa Bahrain.

Ayon kay Francis, tuwing ibinibigay ang responsibility ang mga kababaihan sa Vatican ay bumubuti ang mga bagay.

Nang tanungin si Francis tungkol sa mga kababaihan na nangunguna sa mga protesta sa Iran, ngunit hindi ito tumugon.

Binanggit ni Francis ang babaeng kanyang itinalaga na si Raffaella Petrini, na deputy governor ng Vatican City, na siyang pinakamakapangyarihang babae sa Vatican, na namamahala sa mga 2,000 empleyado.

“Things have changed for the better,” saad ng Papa na tumutukoy sa mga kasanayan sa pamamahala ni Petrini, na hinirang noong nakaraang taon.

Binanggit din niya ang epekto ng limang babaeng itinalaga niya sa isang departamento na nangangasiwa sa pananalapi ng Vatican.

“This is a revolution because women know how the find the right way to go forward,” sabi pa ng Papa.

Kinondena rin niya ang mga ‘chauvinism’ sa mga kalalakihan.

“Women are a gift. God did not create man and then give him a puppy dog to play with. He created man and woman,” aniya. “A society that is not capable of [allowing women to have greater roles] does not move forward,” sabi pa ni Pope Francis.

Nagtalaga rin si Francis ng mga kababaihan bilang deputy foreign minister, director ng Vatican Museums, deputy head ng Vatican Press Office, gayundin ang apat na babae bilang councilors sa Synod of Bishops, na naghahanda ng mga malalaking pulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden