Pope sa mga pari, semenarista: Umiwas sa porn

Pope sa mga pari, semenarista: Umiwas sa porn

October 27, 2022 @ 11:43 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binalaan ni Pope Francis ang mga seminarians sa Roma sa peligro ng online pornography na nagpapahina sa puso ng mga kaparian.

Sa kanyang pakikipagpulong sa Vatican nitong Lunes, tinugunan ng Santo Papa ang malawakang katanungan mula sa mga pari at seminarista na nag-aaral sa Roma sa pagsasama ng agham at pananampalataya at sa pagsisikap na mamuhay sa kabila ng kanilang kakulangan.

Pinag-iingat din ni Francis ang mga ito laban sa pagiging obsess sa panonood ng balita, pakikinig ng music na nakakaabala sa kanilang mga trabaho bago humantong SA mas malalang panganib.

“Share the joy of being Christians,” sabi pa ni Francis hinggil sa kung paano gamitin ang digital at social media.

Binanggit din ng pontiff na hindi lamang sa criminal pornography tulad ng child abuse kundi ang normal pornography rin.

Kinokondena ni Francis ang pornography na aniya ay permanenteng atake sa dignidad ng kalalakihan at kababaihan.

Sinabi ni Francis na dapat Ito ay ideklarang “threat to public health” o banta sa kalusogan ng publiko.

“Dear brothers, be careful of this. The pure heart, the heart that receives Jesus every day, cannot receive this pornographic information,” pahayag niya at sinabing burahin sa mga cellphones ang mga pornograpiya upang hindi matukso. Jocelyn Tabangcura-Domenden