Pops umaming nakarelasyon sina Aga at Papa P!

Pops umaming nakarelasyon sina Aga at Papa P!

December 6, 2021 @ 1:20 PM 10 months ago


Manila, Philippines -“Huli man daw at magaling, aaminin din!”

Parang ganyan ang pakiramdam ni Pops Fernandez na ngayon lang inaamin ang matinding “bintang” sa kanya nu’ng kabataan n’ya, ang mga naging jowa (boyfriend) niya.

Inamin na rin ni Pops finally na naging jowa n’ya sina Aga Muhlach at Piolo Pascual. One at a time po, hindi sabay!

Fifty-four years old na ngayon si Pops (na deka-dekada na ring ex-Mrs. Martin Nievera).

May mga nagsasabing mas maganda at mas kaakit-akit pa siya ngayon kesa noon.

Pero wala tayong magagawa. Talagang ligawin siya nu’ng kabataan pa n’ya.

Sinasabing ‘di siya kasing ganda ng butihing ina n’yang si Dulce Lukban pero dagdag na pang-akit sa personalidad n’ya ang pagiging likas na sosyal n’ya. After all, sa International School sa Makati siya nag-aral (parang si Sharon Cuneta rin!).

Napilitang umamin si Pops tungkol sa mga lalakeng “nahibang” sa kanya dahil nakipaglaro siya ng “Jojowain o Totropahin” challenge sa ilang malalapit n’yang kaibigan para sa vlog n’ya.

Ang siste ng laro ay palit-palitan silang magsasabi ng mga pangalan ng mga lalake at sasagot ang nasa gitna kung gagawing boyfried o kabarda (katropa) ang lalake.

Siyempre, sa una ay patanggi-tanggi pa si Pops tungkol kina Aga at Piolo pero sa kakakantyaw ng mga kaibigan ay umamin din siya.

Meanwhile, actors whose names also came up during the game were Gabby Concepcion, Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Coco Martin, Derek Ramsay, Dennis Trillo, Luis Manzano, and Xian Lim.

Naging boyfriend din ni Pops si Randy Santiago, Jomari Yllana, at ang fashion model na si Brad Tuvey. Siyempre, mas marami siyang naging karelasyon nu’ng hiwalay na sila ni Martin. Danny Vibas