Populasyon ng bagets bumaba; tanders, tumaas sa nagdaang 20 taon-POPCOM

Populasyon ng bagets bumaba; tanders, tumaas sa nagdaang 20 taon-POPCOM

August 15, 2022 @ 7:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga kabataang Filipino sa nakalipas na taon habang lumawak naman ang bilang ng mga lolo’t lola.

Sinabi ng Commission on Population and Development (POPCOM) na ang “population pyramid” ng Pilipinas ay kasalukuyang mahigpit sa ilalim o laylayan, kinabibilangan ng mga kabataang pinoy na may edad na ” zero to 4″; habang tumaas naman sa itaas o sa tuktok, sumasalamin sa bahagi ng mga senior citizens o mga lolo’t lola dahil sa patuloy na paglago at pagdoble ng bilang sa nakalipas na 20 taon.

Tinukoy ang kamakailan lamang na report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng POPCOM na ang ‘percentage share’ ng mga kabataang pinoy na may edad limang taon pababa ay bumaba na sa 10.2% noong 2020 mula 10.8% noong 2015, at 12.6% noong 2000.

“In the last two decades, the percentage in the population of Filipinos under 15 has dropped from a 37-percent share in 2000 to 30.7 percent in 2020. Meanwhile, the median age of Filipinos also went up to 25.3 years old, from 23.3 years old in 2010, continuing a 30-year trend of increasing median age of Filipinos,” ayon naman sa PSA.

Taong 2020, ang mga pinoy na may edad na 60 pataas ay pumalo sa 8.5% ng populasyon o 9.2 milyon. Sa nasabing taon ay nakita na ang pagdoble ng bilang ng ‘aging citizens’ sa bansa mula 2000, kumakatawan sa 5.9% ng national population sa 4.5 milyong filipino.

Taong 2015 naman, 24.4% o 5,606,500 ng 22,975,630 pamilya sa buong bansa ang mayroong isang miyembro ng senior citizen.

“The dynamics of the Philippine population continue to see lower levels of fertility, as evidenced by the decline in numbers of children under 5 years old,” ayon kay POPCOM Executive Director Juan A. Perez III.

“The high fertility levels of the last two decades were projected to create a bulge of young people entering the workforce up to 2035. This could prove to be a boon for the country if they become effective workers, or a lost generation if they are not employed or are underemployed, which will create a socioeconomic burden for a smaller, employed population,” dagdag na pahayag nito.

“The most current statistics point at the effectiveness of the Philippines’ family planning program, as evidenced by the lower number of children born since 2015. As it was derived in the first year of the pandemic, that figure, he believes, may be further down in 2021,” ayon pa rin kay Perez.

Makikita sa PSA data na ang ‘steady growth’ sa working-age population sa bansa , nasa 15 hanggang 64 age group ay pumalo na sa 63.9% ng mga pinoy, bahagyang tumaas mula 63.3% noong taong 2015, at 59.1% noong taong 2000.

“Women of reproductive age, or those 15 to 49 years old, are also at a record high in 2020 figures, which stood at 27.8 million — a jump from 26 million in 2015,” ayon sa POPCOM.

Winelcome naman ni Perez, bilang undersecretary ng population and development o POPDEV, ang bagay na ito bilang oportunidad para sa mas maraming kababaihan para mas madagdagan ang “potential number” ng working citizens sa bansa. Kris Jose