Populasyon ng mundo, papalo na sa 8 bilyon sa susunod na taon

Populasyon ng mundo, papalo na sa 8 bilyon sa susunod na taon

November 10, 2022 @ 1:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Posibleng pumalo na sa walong bilyon ang populasyon ng mundo pagsapit ng Nobyembre 15.

Ito ay batay sa pagtaya ng United Nations (UN) kung saan labis umano ang itinaas nito sa mga nakalipas na mga dekada.

Sa datos, sumampa sa isang bilyon ang populasyon noong 1800 samantala noong 1928 naman ay umakyat na sa ito sa dalawang bilyon.

Sumunod nito ay halos dumoble na ang populasyon ng mundo sa 4 na bilyon noong 1975 at ngayon ay nasa 8 bilyon na sa kasalukuyang taon.

Nakikitang dahilan ng UN sa mabilis na paglobo ng populasyon ay ang mas mabuting public health nutrition, personal hygiene at medisina. RNT/JGC