Populasyon ng Pinas pumalo na sa sa 109.03M  – PSA

Populasyon ng Pinas pumalo na sa sa 109.03M  – PSA

July 8, 2021 @ 8:54 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa higit 109 milyon ang populasyon sa Pilipinas.

Ang bilang ng populasyon ay mula sa processed census returns “shall be considered official for all purposes only upon proclamation by the President,” ayon kag Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Alinsunod dito, nakasaad sa Proclamation 1179 na ipinalabas ng Malakanyang na “as official for all purposes” ang resulta ng 2020 census, kung saan pumalo sa 109,035,343 katao “as of May 1, 2020” ang populasyon sa bansa.

Binigyan ng batas ng mandato ang Philippine Statistics Authority na magsagawa ng national census of population at iba pang data kada 10 taon mula 1980.

Matatandaang nito lamang buwan ng Maso, sinabi n Pangulong Duterte na “high time” para sa pamahalaan na resbisahin ang family planning program.

Aniya, apektado ng malaking populasyon ang epektibong implementasyon ng COVID-19 protocols, lalo na sa mga urban areas o taga-lungsod.

Samantala, sa naging pagtaya naman ng Commission on Population and Development (POPCOM), maaaring lumobo ang populasyon ng bansa at pumalo sa 110.8 million noong 2021 nang magpatupad ng lockdown para mapigil ang paglaganap at hawaan ng COVID-19 na nagsilbi namang “limit access” sa birth control measures. Kris Jose