Population growth ng Pinas bumaba sa COVID-19

Population growth ng Pinas bumaba sa COVID-19

January 21, 2022 @ 12:46 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Iniulat na bumagal ang population growth sa Pilipinas sa 0.3 percent noong 2021 na pinakamababa naman sa loob ng 70 years taon dulot na rin ng COVID.

Tinatayang 324,000 sanggol ang naisilang noong 2021.

Sa katapusan ng 2021, umabot sa 109,991,095 ang kabuuang populasyon ng bansa na mas mababa naman ng dalawang milyon sa naunang pagtataya.

Ayon kay Juan Perez III, head ng Commission on Population and Development, ag pagbaba ay dahil sa mas maigting na paggamit ng mga Pilipino ng family planning sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

“Filipinos remain prudent by continuing to delay having children or forming families during the combined economic crisis and Covid-19 health emergency.” RNT/FGDC