Population growth sa Maynila bumaba noong 2020 – census

Population growth sa Maynila bumaba noong 2020 – census

July 10, 2021 @ 11:50 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Iniulat na bumaba ang population growth sa Metro Manilangayong 2020, batay sa census ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA’s 2020 Census of Population and Household, bumagsak ang population growth rate sa Metro Manila sa 1.58 sa pagitan ng 2010-2015 hanggang 0.97 percent mula 2015-2020.

Iginiit ng Commission on Population and Development (POPCOM) na base sa pag-aaral, partikular ito sa Navotas na may negative growth rate na -0.16 percent mula 0.03 percent noong 2015.

“In the previous population count, the municipality of Pateros recorded a negative growth rate of 0.09 but has increased to 0.45 in 2020. Other LGUs with a notable increase were San Juan, Malabon, Pasay, Pateros and Valenzuela. The latter reported an increase of up to 3.03 percent, the highest increase among all LGUs.”

“Our target for the country is 2.1 total fertility rate or around 2 children per woman during her reproductive years. With this scenario and further promotion of use of modern contraceptives in all barangays, we could see a declining population growth rate in the next few years,” ayon kay POPCOM-NCR director Lydio Español.

Kasalukuyang Quezon City pa rin ang may pinakamalaking populasyon sa Metro Manila na may kabuuang 2,960,048 residente; sinundan ng Maynila na may1,846,513; at Caloocan City na may 1,661,584.

Tinataya namang 111,150,701 ang kabuuang populasyon ng bansa. RNT/FGDC