Population protection sa NCR target sa Setyembre – MMDA

Population protection sa NCR target sa Setyembre – MMDA

July 12, 2021 @ 12:37 PM 1 year ago


MANILA, Philippines –Kumpiyansang makakamit ng Metro Manila ang population protection sa Setyembre, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos.

Sinabi ni Abalos na tinatayang 107,000 dose ng bakuna ang tinuturok kada araw sa rehiyon kaya’t makakamit ang 14.6 milyon o 50 porsyento ng populasyon sa Setyembre.

“Our projection is by the end of September, we will be having at least population protection. Majority of Metro Manilans will have two doses,” ani Abalos sa CNN Philippines.

Batay sa panuntunan ng Department of Health, maikokonsiderang nakamit na ang population protection kung bakunado na ang 50 porsyento ng populasyon.

Sa huling datos, mahigit 12 milyon na ang naibabakunang COVID-19 shots sa buong bansa. RNT/ELM