Pork ban sa Cebu, pinalawig

Pork ban sa Cebu, pinalawig

November 10, 2022 @ 5:49 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu ang pagbabawal sa pagpasok ng mga baboy, karne man o buhay mula sa Iloilo at kabuuan ng Panay island dahil sa pagkabigo ng mga awtoridad na kontrolin ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Cebu Gov. Gwen Garcia, magpapalabas siya ng panibagong executive order na magpapalawig sa pork ban kasabay ng kanyang panawagan sa mga airline at shipping companies na ipagpatuloy ang masusing pagbusisi sa mga pasahero na huwag magdala ng mga produktong baboy sa probinsya.

Dagdag pa, habang nasa byahe pa lamang ang mga pasahero ay dapat na ianunsyo na ang naturang kautusan sa probinsya.

“Right now, of the 81 provinces in the entire country, 62 provinces are now infected with ASF,” pahayag ni Garcia nitong Miyerkules, Nobyembre 9.

“They have not been able to control the ASF spread in Panay and Iloilo. We will extend it (ban) because we are trying to study ba if they can contain it, but wala,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong Oktubre ay inanunsyo ang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng mga baboy sa Cebu na dapat sana ay magtatapos na sa Disyembre 12. RNT/JGC