Pork barrel sa Kamara ni Lacson, pinalagan ng mga kongresista

Pork barrel sa Kamara ni Lacson, pinalagan ng mga kongresista

August 8, 2018 @ 4:44 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinalagan ng mga kongresista ang pagpapalutang ni Senador Panfilo Lacson sa pork barrel fund sa Kongreso.

Sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya na mahigpit na ipinatutupad sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang “no pork policy” dahil dinesisyunan na aniya ito ng Korte Suprema na iligal.

“Most especially regarding lump sum funds and the role of legislators in budgetary authorization.  The process we will observe will be no different from the process adopted by the Senate,” paliwanag ni Andaya.

Binigyang-diin din ni House Deputy Minority Leader Lito Atienza na makabubuting tingnan muna ni Senador Lacson ang paligid niya bago magsalita.

“I Hope Senator Lacson was just misquoted otherwise I would advise him to look around the Senate because there are many out there who benefited from their pork through Napoles who are still around and even running for re-election,” ani Atienza.

Giit pa ng kongresista na wala nang ‘pork’ sa Kamara matapos itong ideklarang unconstitutional ng Supreme Court na siyang mahigpit na sinusunod ngayon.

Maging si Capiz Representative at Deputy Speaker Fredenil Castro ay nagsabi na kahit sino pa ang Speaker ng Kamara ay mananatili aniya ang desisyon ng Korte Suprema.  (Meliza Maluntag)