Pork barrel sinisilip sa 2021 nat’l budget

Pork barrel sinisilip sa 2021 nat’l budget

October 17, 2020 @ 1:23 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nangangamba ang mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco na may pork barrel funds na naisingit sa 2021 national budget.

Kaya naman pinayagan ng House Leadeship na makapagsumite pa ng mga individual amendments sa General Appropriations Bill ang mga mambabataas hanggang sa Oktubte 19 para mabago pa ang ilan sa alokasyon sa budget kahit pa man pasado na ikatlo at huling pagbasa ang proposed national budget.

Sinabi ni House Speaker Velasco na kanila pang pinag-aaralan kung paano matutugunan ang “inequitable” infrastracture budget allocations sa mga distrito gayundin ang pagtiyak na walang pork barrel funds sa budget alinsunod na rin sa itinatakda ng Korte Suprema na una nang magsabi na illegal ang pork barrel funds.

“We made sure it is a constitutional budget based on the decision of the Supreme Court. We are making sure there is no pork in the said budget. Kung hindi namin magawa ‘yan ngayon, meron pa naman next year. Pero as much as possible, we will do everything we can so that we can equitably, fairly distribute,” paliwanag ni Velasco.

Ilang mambabatas ang una nang umalma sa hindi pantay-pantay na alokasyon ng infrastracture budget sa mga distrito na mas pinaboran umano ang mga kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ang nasabing akusasyon ay una na ring pinabulaanan ni Cayetano. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •  

Loading...