Pork barrel whistle-blower Sula, bumaligtad sa paratang laban kay Revilla

Pork barrel whistle-blower Sula, bumaligtad sa paratang laban kay Revilla

June 28, 2018 @ 4:48 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Itinanggi ni Pork barrel scam whistle-blower ang mga nauna nitong paratang laban sa nakadetineng dating senador Ramon Bong Revilla Jr.

Nilinaw ng whistle-blower na si Marina Sula, na tinuruan lang umano siya ng prosekusyon na kumpirmahin ang naunang pahayag ng kasama niyang whistle-blower na si Benhur Luy.

Sa naging pagdinig ng Sandiganbayan First Division, sumalang si Sula sa direct examination ni Atty. Reody Anthony Balisi na nagtanong sa kanya kung may alam ba ito sa mga proyektong isinagawa ng dating senador gamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Idineny ni Sula na nagkita na sila ni Revilla noong empleyado siya ng JLN Corporation pero sinabi nitong humawak na siya ng mga dokumentong may kinalaman sa sinasabing bogus na Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc.

Bukod dito, itinuro niya rin si Luy na siyang nag-forge o pumeke sa pirma ni Revilla sa mga endorsement letters para sa foundation na popondohan ng PDAF na konektado pala sa scam ni pork barrel queen Janet Lim Napoles.
Iginiit ni Sula na nakita niya mismo ang pamemeke ni Luy at ang pagsulat ng hindi bababa sa tatlong letra.

She also pointed to Luy as the culprit behind the forged signatures of Revilla in the endorsement letters for PDAF-funded foundations linked to alleged scam mastermind Janet Lim Napoles. She said she saw Luy forge at least three letters.

“Si Benhur, siya yung mahusay pumirma ng lawmakers at siya yung nakikita kong pumipirma para sa lawmakers. Wala pong alam si Senator Revilla sa paggawa po ng endorsement letters,” kwento nito.

Tinanong din ni Division chairperson Associate Justice Efren dela Cruz kung matutukoy ba nito ang mga petsa ng mga dokumentong pinirmahan ni Luy pero hindi ito makapagbigay ng eksaktong sagot.

Dagdag pa ni Sula, ang naging payahag niya noong una ay base lamang sa naging meeting nito kasama ang Ombudsman prosecution na siyang humahawak sa kaso ni Revilla.

“Sinabihan kasi ako ng panel na mag- corroborate sa sinabi ni Benhur kasi si Benhur ang nauna sa bail hearings. Mayroon po siyang mga sinasabi na para sa akin hindi totoo,”paglilinaw ni Sula.

Pero nang mabasa na niya ang transcript ng stenographic notes ng mga naging pahayag ni Luy ay napag-alaman niya na mali ito.

“Ngayon lang po lumuwag ang loob ko. Noon kasi pigil na pigil lahat. Pero nung nabasa ko yun, mayroon po siyang mga maling sinabi,” ayon kay Sula. (Remate News Team)