Pork, chicken importation kailangan pa rin-PBBM

Pork, chicken importation kailangan pa rin-PBBM

July 6, 2022 @ 10:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nananatiling kailangan ang pag-import ng karne dahil kailangan pa ring palakasin ng bansa ang produksyon ng pagkain.

“Sa protein side, ‘yun, medyo pilit tayo because when it comes to pork, ‘yung ASF (African Swine Fever) talaga hindi natin…makontrol for various reasons,” ani Marcos sa kanyang unang press briefing bilang Pangulo.

Ang mga lokal na producer ng baboy ay bumabawi pa rin mula sa epekto ng ASF, na nakaapekto sa industriya mula noong 2019.

“Sa broiler side, ang chicken production, broiler production, kailangan pa rin nating mag-import dahil nagkaproblema na naman tayo sa feed,” dagdag pa ng chief executive.

Ang produksyon ng palay, mais, alagang hayop, at palaisdaan ng bansa ay “hindi sapat” ayon kay Marcos, kaya ang dahilan kung bakit ginawa niyang pinakamataas na priyoridad ang agrikultura.

Kasalukuyang namumuno si Marcos sa Kagawaran ng Agrikultura. RNT