Pornstar sa Amerika, nakabili ng mansyon!

Pornstar sa Amerika, nakabili ng mansyon!

February 8, 2021 @ 1:40 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Oregon, USA – Bonggang porn star pala ang American-Russian  na si Mia Malkova. Kabibili lang n’ya sa Oregon, USA ng isang mansyon na mukhang kastilyo sa halagang $3.9 million. 

 

Ayon sa New York Post website, ang mansyon ay nasa isang lupain na may sukat na 6 acres. Ang mansyon ay may floor space na 13, 000 square feet, mataas na kisame kaya may atrium ang bahay, 5 bedrooms, 5 bathrooms, home theater, library na may dalawang palapag at may fireplace, winding staircase, at higanteng pintuan na gawa sa mamahaling kahoy. 

 

May gym din ito na may climbing wall, punching bag, ballet barre, at iba pang  exercise equipment. Ang  decagonal master suite nito ay may sauna at jetted tub, fireplace, at exposed wood-beam ceilings. 

 

Mukhang isang kastilyo ang mansyon at ang dating tawag nga rito ay Blackberry Castle. 

 

“Porn Castle” ang tawag ni Mia sa bagong real estate property n’ya na pinagsosyohan nila ng producer n’yang si Eli Tucker dahil magsisilbi rin itong filmmaking studio. 

 

Sa labas ng mansyon ay may fountain, landscaped at rock pathways. 

Ang 6-acre estate ay may grape orchard na malapit sa northwest Portland’s Forest Park. May tanim din itong pinot noir and chardonnay grapes sa orchard, at may 400-bottle wine cellar. 

 

Nasa estate din ang original na bahay na itinayo nu’ng  1967 at sa paligid nito ay may tennis courts at in-ground trampoline. 

 

Si Mia ay hindi ‘nagtatagong’ porn star. May Instagram siya at may trailers sa YouTube ang mga pelikula n’ya. May sariling website din siya. Danny Vibas


  •  
  •  
  •