Port decongestion sagot vs pagtaas ng presyo ng bilihin

Port decongestion sagot vs pagtaas ng presyo ng bilihin

October 18, 2022 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinaluluwag ng isang mambabatas ang mga ports sa bansa sa hangarin na mapabilis ang paglabas ng mga produkto na syang tugon para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin lalo sa mga lalawigan.

Ang panawagan ay ginawa ni Quezon Rep. Reynan Arrogancia kasunod na rin ng delay ng paglalabas ng container vans sa mga ports.

“Decongesting ports and ensuring faster shipping of goods would avert price hikes in provinces. Delays in the shipment of goods to the provinces can cause artificial consumer price increases,” pahayag ni Arrogancia na vice-chairman ng House committee on transportation.

Aniya, kung maayos ang paglabas ng mga inimport na pagkain sa mga customs ports ay mas mababawasan ang importation costs, kasunud nito ay matitiyak na may sapat na supply sa mga probinsya at hindi magkakaroon artificial shortage.

“Ports decongestion, especially of the major seaports in Manila, Batangas, Quezon, Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo, and Davao can reduce price hike incidents and risks. The faster the import containers are shipped out, the sooner supplies in the provinces are replenished and retail prices there are stabilized,” dagdag pa nito.

Ilan umano sa crucial imports na dapat palabasin agad sa mga port s ay ang bigas, wheat, wheat flour, corn, corn meal at sugar.

“Time is of the essense, these are crucial commodities that must get to where they are needed so that no artificial localized price hikes happen,” pagtatapos pa ni Arrogancia. Gail Mendoza