Portugal pasok na rin sa ‘red list’ sa Dis. 12

Portugal pasok na rin sa ‘red list’ sa Dis. 12

December 10, 2021 @ 1:24 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Isinailaim na rin ng Pilipinas sa Red List ang Portugal dahil sa mataas nitong COVID infection simula Disyembre 12.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, base ito sa Inter-Agency Task Force Resolution 153 kung saan papayagan ang mga manlalakbay galing Portugal na makapasok sa Pilipinas bago sumapit ang Disyembre 15 kaakibat na susundin ang quarantine protocol.

Kakailanganing magpresenta ng negatibong RT-PCR test na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang kanilang pagdating sa bansa.

Oras na magnegatibo sa RT-PCR, kukumpletuhin nila ang 14-day quarantine at home. RNT/FGDC