Posibleng joint oil, gas exploration sa Tsina, sinisilip ng Marcos admin

Posibleng joint oil, gas exploration sa Tsina, sinisilip ng Marcos admin

August 30, 2022 @ 6:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pag-aaralan ng administrasyong Marcos ang posibilidad na joint oil at gas exploration sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

“Pag-aaralan po natin sa ngayon,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

“Ukol sa mga foreign relations natin lalong-lalo na those involving contracts, kailangan pa po ng abiso ng ating Department of Foreign Affairs,” dagdag na pahayag ni Cruz-Angeles.

Nagpahayag kasi si dating Chinese ambassador to the Philippines Liu Jianchao na umaasa siyang magpapatuloy na ang naunsyaming negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China para sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

Ito ay makaraang ibasura sa ilalim ng Duterte administration ang pag-uusap para rito.

Ang dating envoy na ngayo’y International Department of the Central Committee of the Communist Party of China Minister, ay umaasang magiging flexible ang administrasyong Marcos hinggil sa usapin sa mga pinaga- aagawang teritoryo.

Aniya, naniniwala itong magkakasundo ang dalawang partido sa isang paraang praktikal na usapan.

Samantala, sinabi rin ng dating envoy na bukas ang China para i-welcome si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sakali mang magtakda na ito ng kanyang official visit. Kris Jose