Posibleng outbreak ng WILD diseases, mahigpit na binabantayan ng DOH

Posibleng outbreak ng WILD diseases, mahigpit na binabantayan ng DOH

October 30, 2022 @ 5:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahan na ang posibleng pagsulpot ng iba’t ibang sakit dahil sa mga pagbaha sa mga apektadong lugar dulot ng bagyong Paeng.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na lahat ng unit ng ahensya ay naka-heightened survellaince laban sa posibleng outbreaks ng waterborne and food borne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at dengue (W.I.L.D) diseases.

Bukod pa rito, ini-activate ng DOH ang Inter-Agency Committee on Environmental Health (IACEH) na nakatakdang magpulong sa Nobyembre 4, 2022.

Tatalakyin sa naturang pulong ang mga paraan upang matugunan ang mga kamakailang Acute Gastroenteritis/Diarrhea Cases at Cholera Outbreak na maaaring dulot ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo at pagbaha.

“Sa ating mga kababayan na nangangailangan ng mga serbisyong pangkalusugan ngayong panahon ng bagyo, makakaasa po kayo na mayroon kayong DOH na masasandalan sa inyong mga lugar at evacuation centers. Sa tulong ng ating mga lokal na pamahalaan, we will ensure that health services are unhampered, and that our healthcare facilities are always ready to provide healthcare services to patients seeking care,” sabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire.

Sa bagyong Paeng, maraming lugar na naapektuhan at nalubog sa tubig baha dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden